Ang pag-ibig na tahimik

spacegirl
2 min readJun 15, 2024

--

Photo by Anant Jain on Unsplash

May isang kanta na paborito kong pinapakinggan ngayon. Nang tahimik ni Geiko, ang ngalan ng kantang ito. Malinaw kasing inilalarawan ng kantang ito ang estado ng puso ko ngayon.

“Mamahalin na lang kita nang tahimik. Idadaan na lang sa mga awitin.”

Ito ang dalawang linya ng kanta na tumatak sa akin. Siguro dahil pinipili kong ilihim muna ang aking nararamdaman sa isang tao. Hindi pa kasi nararapat ang oras at panahon. Hindi pa ako handa. Wari ko ring naghihilom pa rin siya.

Kung aaminin ko ba ito nang walang pasintabi sa ating sitwasyon, magiging maayos ba? Matatanggap mo kaya?

Nais kong ibigin, at magbigay ng pag-ibig sa panahong mainam sa atin pareho. Na parang isang maga-aral ng instrumentong pang-musika, ito ay pino-proseso, inaaral, kinikilala, at nilalaanan ng oras. Para sa akin, mainam ang pag-ibig na hindi minamadali.

Sa ngayon, ang maibibigay kong pag-ibig sa iyo ay gaya ng isang bulaklak sa pagsikat ng araw — marahan, malumanay, at tahimik.

Gaya ng isang bulaklak, ang pag-ibig ko sa iyo ay tahimik;

Pinipili ko munang gustuhin ka nang walang kibo.

Pinipili ko munang aralin ka sa malayo.

Pinipili ko muna ang pag-ibig ko’y itikom.

Nang sa araw na ilalahad ko ito, alam kong hindi lang tapang ang aking nalikom;

Pati ang kasiguraduhan na handa na akong sumugal sa pag-ibig, sa posibilidad nating dalawa, at higit sa lahat, sa iyo.

At gaya ng isang bulaklak, hahanapin ko ang sinag mo. Sinag na magbibigay sa akin ng karunungan sa mga bagay tungkol sa iyo. Sa bawat araw na ika’y sisikat, sa sinag mo manggagaling ang lakas ko.

Mamahalin kita nang tahimik.

Mamahalin ka,

nang tahimik.

Gusto kita.

Iyan ang aking lihim.

Nagtatago,

Jade.

Finally. Finally!

First ever prompt this June! Napag-isip isip ko rin lately na baguhin ang writing style ko. Mainly gagawin ko itong isang sulat na may “Dear” sa una. Mapapadalas na rin siguro ang pagsusulat ko sa tagalog, dahil dito ako mas komportable na maglahad lalo na kung tungkol sa matters of the heart ang nais kong pag-usapan. Please roast me kindly sa magulong blog post na ito.

Thank you!

--

--

spacegirl
spacegirl

Written by spacegirl

A thought daughter, and a striving writer with an unkempt mind.

No responses yet